Barbie Forteza and David Licauco's sweetest moments at the FiLay Thanksgiving Fans Day

Sinalubong ng malakas na sigawan at palakpakan ng maraming fans ang tambalang “FiLay” nina Barbie Forteza at David Licauco sa kanilang first-ever Thanksgiving Fans Day nitong Linggo, February 26, sa isang mall sa Quezon City.
Masayang-masaya ang fans nina Barbie at David nang personal silang makita matapos unang mapanood sa kanilang matagumpay na pagtatambal Fidel at Klay o FiLay, sa katatapos lang na well-loved series na Maria Clara at Ibarra.
Bukod sa pagpapakilig, nagpasalamat sina Barbie at David sa mainit na pagsuporta ng kanilang fans.
Balikan ang sweet moments ng FiLay sa nasabing Thanksgiving Fans Day sa gallery na ito:










