Barbie Forteza at David Licauco, may nilutong masarap na pamasko para sa fans

Sunod-sunod ang dating ng mga proyekto para sa tambalang BarDa nina Barbie Forteza at David Licauco.
Mula sa serye, pelikula, at brand endorsements, talagang in-demand ngayon ang appeal ng dalawa sa masa.
Kamakailan, isang live cooking demo ang ginawa ng Pulang Araw stars para sa kanilang ine-endorsong produkto na Maggi.
Dito ay nagluto ang BarDa kasama ang isang chef ng dalawang dish na perfect ihanda o pang-regalo ngayong Pasko.
Silipin ang ilan sa behind-the-scenes sa naturang cooking demo nina Barbie at David, DITO:









