Mapapanood na ngayong love month ang pinagbibidahang pelikula ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza na Until She Remembers. Makakasama niya rito ang iconic actresses na sina Charo Santos-Concio at Boots Anson Roa-Rodrigo.
Sa katunayan, kamakailan lang ay ginanap ang premiere night ng kanilang pelikula sa SM North The Block. Dinaluhan ito hindi lang ng mga bida, kundi maging ng ilan sa mga Kapuso at Sparkle stars na nagbigay suporta sa aktres.
Tingnan ang naganap na red carpet premiere night sa gallery na ito:
Present ang bida at Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza sa naganap na premiere night ng kanilang pelikula na Until She Remembers.
All smiles ang aktres nang salubungin siya ng fans sa kanilang premiere night.
Present din ang dalawang co-stars ni Barbie, ang iconic actresses na sina Charo Santos-Concio at Boots Anson Roa-Rodrigo.
Dumalo rin sa kanilang premiere night ang tatlo pa nilang co-stars na sina Albert Martinez, Angel Latorre, at Bianca Kierulf. Hindi rin nawala para magbigay ng suporta si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Nagbigay rin ng suporta ang First Vice President ng Sparkle na si Miss Joy Marcelo sa pelikula ni Barbie.
Naroon din ang isa sa mga malalapit na kaibigan at running buddy ni Barbie na si Kristoffer Martin.
In attendance din ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards para magbigay ng kaniyang suporta sa Primetime Princess.
Hindi rin pinalampas nina Miss Joy at Barbie ang photo opportunity kasama ang iconic actresses na sina Charo at Boots.
Tila kino-congratulate na ni Alden si Barbie para sa magandang pelikula nito.