Baron Geisler, mas gusto nang manirahan sa Cebu

Walang patumpik-tumpik na sinabi ng “King of Talk” na si Boy Abunda na ang guest niyang si Baron Geisler ay isa sa mga pinakamagagaling na aktor ng henerasyon ngayon,
Ilang beses nang pinatunayan ni Baron ang husay niya sa pag-arte. Nanalo na siya bilang Best Supporting Actor sa FAMAS noong 2012. Dalawag beses na rin siyang nag-uwi ng parangal bilang Best Actor mula sa Cinemalaya (2008 and 2010) para sa performance niya sa Jay at Donor.
Lubos din hinahanggan ng movie fans at film critics si Baron para sa role niya sa Netflix movie na Doll House kung saan gumanap siya bilang Rustin.
Sa kabila ng tinatamasa niyang pagkilala, 'tila nahanap ni Baron ang kaniyang “peace of mind” sa Cebu, kung saan limang taon na siyang naninirahan.
Bakit kaya tumatak sa puso ni Baron ang Cebu?
Alamin ang buong kuwento ng award-winning actor kay Boy Abunda sa gallery na ito!
Patuloy na tumutok sa 'Fast Talk with Boy Abunda' pagkatapos ng 'The Seed of Love' sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.









