Walang patumpik-tumpik na sinabi ng “King of Talk” na si Boy Abunda na ang guest niyang si Baron Geisler ay isa sa mga pinakamagagaling na aktor ng henerasyon ngayon,
Ilang beses nang pinatunayan ni Baron ang husay niya sa pag-arte. Nanalo na siya bilang Best Supporting Actor sa FAMAS noong 2012. Dalawag beses na rin siyang nag-uwi ng parangal bilang Best Actor mula sa Cinemalaya (2008 and 2010) para sa performance niya sa Jay at Donor.
Lubos din hinahanggan ng movie fans at film critics si Baron para sa role niya sa Netflix movie na Doll House kung saan gumanap siya bilang Rustin.
Sa kabila ng tinatamasa niyang pagkilala, 'tila nahanap ni Baron ang kaniyang “peace of mind” sa Cebu, kung saan limang taon na siyang naninirahan.
Bakit kaya tumatak sa puso ni Baron ang Cebu?
Alamin ang buong kuwento ng award-winning actor kay Boy Abunda sa gallery na ito!
Patuloy na tumutok sa 'Fast Talk with Boy Abunda' pagkatapos ng 'The Seed of Love' sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
Produkto si Baron Geisler ng sikat na youth-oriented drama show na 'Tabing Ilog,' Ilan sa mga dating cast nito ay mga mga kapwa mahuhusay na aktor tulad nina John Lloyd Cruz, Jodi Sta. Maria, Paolo Contis, at Kaye Abad.
Kahit laking Metro Manila si Baron, mas natipuhan niyang mamuhay sa Cebu. Kuwento niya kay Boy Abun, sa guest appearance niya sa Fast Talk With Boy Abunda, “Life in Cebu is very laid back and I'm just in love with Cebu. That's where God transformed me and that's where I met my wife [Jamie] as well.”
Isa pa sa mga dahilan na binigay ni Baron kung bakit ideal mabuhay sa Cebu, “Kasi 30 minutes away nasa beach ka na, 30 minutes away nasa bukid ka na.”
Isa rin sa mga tinalakay ni Baron sa pagbisita niya sa Fast Talk With Boy Abunda ang misis niyang si Jamie Evangelista. Matatandaan na ikinasal sila sa isang civil ceremony noong September 2019.
Nabiyayaan sina Baron at Jamie ng isang babaeng anak, si Talitha Cumi na isinilang ni Jamie noong January 2020.
Sa kabila ng pinagdaanan nilang pagsubok nila ni Jamie, nanatili matatag ang kanilang relasyon bilang mag-asawa.
Inilahad din ni Baron na natutunan niya ang “tough love” mula sa kaniyang mabuting maybahay. Paliwanag niya, “Hindi niya kasi ako tinatrato na artista, Tito Boy. 'Tapos, kapag nararamdaman niya napapansin niya na parang, 'Teka muna. Umiiba attitude ni Baron, medyo, parang papunta na ito sa pag-iinom,' gigisingin niya ako. So disiplina talaga, ang laking disiplina nakuha ko, natutunan ko sa asawa ko.” Xx Source: GMA Network
Muling nagningning ang bituin ni Baron Geisler sa mahusay niyang pagganap sa Netflix movie na “Doll House”. Sa katunayan noong November 2022, pinarangalan siya bilang Asia's Most Versatile Actor of the Decade sa 6th Asia Pacific Luminare Awards. Kinilala rin siya sa The 5th Gawad LaSallianeta bilang Most Outstanding Actor noong January 2023.
Kuwento ni Baron kay Boy Abunda na naka-relate raw siya sa karakter niya bilang Rustin, na inilarawan niya bilang “lost soul.”
Aniya, “Mga 27 years ko pinagaralan 'yung character nun kasi halos pareho lang kami ni Rustin e. It's a joke kasi, this character, my character Rustin he was dealing with drug addiction and alcoholism and he was a lost soul. So dun sa movie. Anak ng heneral, he can get away with anything So naka-relate ako doon sa movie, naka-identify ako sa character ni Rustin.” Source: baron.geisler (IG)
Panoorin ang eksklusibong panayam ni Boy Abunda kay Baron Geisler sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMANetwork.com.