Batang 13 years old, ipapakasal sa mayamang negosyante sa 'Magpakailanman'

Kuwento ng isang child bride ang tampok sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Sa episode na pinamagatang "Bata, Bata, Paano Ka Kinasal?" ipagpapalit nina Berting at Adelfa ang kanilang 13-year-old na anak na si Cherry sa malaking halaga ng pera.
Ikakasal si Cherry kay Mr. Ronquillo, isang mayamang negosyante na mas matanda pa kaysa sa sarili niyang ama.
Makakaranas si Cherry ng pisika at sexual abuse mula sa kanyang asawa.
Matatakasan pa ba niya ang kanyang sitwasyon para mabuhay bilang isang normal na bata?
Abangan ang brand-new episode na "Bata, Bata, Paano Ka Kinasal?" April 26, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






