Batang dog lover, magkakaroon ng rabies sa 'Magpakailanman'

Para sa mga dog lover ang bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Pinamagatang "My Son's Birthday Wish," kuwento ito ng masipag na inang si Erlie (Rochelle Pangilinan) at ng anak niyang si Santi (Euwenn Mikaell) na mahilig sa mga aso.
Alagang aso ang laging hiling ni Santi para kanyang birthday.
Ipapangako naman ni Erlie na tutuparin niya ang wish ng anak pagbalik niya mula sa pagtatrabaho as Maynila.
Sa kasamaang palad, makakagat ng asong may rabies si Santi at agad itong makikitaan ng sintomas ng rabies infection.
Maililigtas ba ni Erlie ang anak, lalo na at malayo siya mula dito?
Abangan ang brand-new episode na "My Son's Birthday Wish," November 15, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






