Batang ina, sasaktan ang sariling anak sa 'Magpakailanman'

GMA Logo Don't Kill Your Baby

Photo Inside Page


Photos

Don't Kill Your Baby



Maselang mga issue ng teenage pregnancy at post-partum depression ang tampok sa brand-new episode ng Magpakailanman.


Sa episode na pinamagatang "Don't Kill Your Baby," haharap sa malaking pagsubok ang high school students at magkasintahang sina Yesha at Dion.

Sa murang edad na 17, magbubunga ang kanilang pagmamahalan at maiisipan nilang ipalaglag ang bata.

Pero matatakot si Yesha at itutuloy na lang ang ipinagbubuntis. Ipakikilala rin niya si Dion sa kanyang mga magulang kahit na tutol ang mga ito sa nobyo.

Matapos manganak, magkakaroon ng post-partum depression si Yesha. Dahil dito, madalas niyang saktan ang sarili at ang sarili niyang baby.

Bukod dito, madalas pa silang mag-away ni Dion dahil na rin sa mura nilang edad.

Paano malalampasan nina Yesha at Dion ang pagsubok na ito?



Abangan ang brand-new episode na "Don't Kill Your Baby," June 1, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.


Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.


Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Vanessa Peña
Joaquin Domagoso
Rita Avila
Leandro Baldemor
Post-partum depression
Gina Alajar
Don't Kill Your Baby

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 15, 2025
Visually impaired soldier promoted from captain to major