Matapos ang ilang ulit na pagtatanong tungkol sa kanilang pagpapakasal, tinotoo na ng celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque ang kanilang wedding engagement.
Sa isang Instagram post ngayong Huwebes, July 19, ginulat ni Bea ang kaniyang mga kaibigan at fans nang ibahagi niya ang mga larawan mula sa naganap na surprise engagement proposal ng kaniyang boyfriend na si Dominic para sa kaniya.
Kuwento ni Bea sa kaniyang post, nangyari ang nasabing proposal kahapon habang siya ay nasa isang shoot sa Quezon City.
Aniya, “It was a balmy afternoon in Las Casas. I was there for a shoot, but little did I know that the next thing that would happen would change our lives forever.
“In the middle of the shoot, Mark Nicdao kept telling me to turn around because he wanted to shoot the back side of my dress, I found it a bit odd, but when I turned around, I found Dom kneeling with a box in his hand.”
Ayon pa sa aktres, marami na siyang ginawang eksena na wedding proposal pero iba pa rin umano sa tunay na buhay.
“You see, I have done so many proposal scenes in my entire career, but nothing beats the real thing. I have been doing it all wrong!” masayang kuwento ni Bea.
Dagdag pa niya, “Dom said his speech, and it's like time stood still. Everything went in slow motion. And I felt different emotions all at the same time--joy, excitement, love. I started bawling (swipe to see my ugly cry 🤣), But I didn't want that moment to end.”
Sa huling bahagi ng kaniyang post, ibinahagi ni Bea na pinipili na nila ni Dominic ang magsama, “Forever.”
“I want this real thing to happen forever… and right then there… In front of the people we love… we decided on forever.. [ring emoji],” anang aktres.
Kamakailan lamang, matatandaan na sinabi ni Bea sa Fast Talk with Boy Abunda na napag-uusapan na rin nila ni Dominic ang pagbuo ng sariling pamilya pero hindi idinadaan lamang nila sa biro ang planong pagpapakasal.
Bumuhos naman ang maraming masasayang mensahe ng mga kaibigan nina Bea at Dominic sa kanilang wedding engagment announcement.
Congratulations, Bea and Dominic!
SILIPIN ANG SWEETEST PHOTOS NINA BEA AT DOMINIC SA GALLERY NA ITO:
Kasama ni Dominic si Bea sa celebration ng kanyang 31st birthday sa Amerika.
Makikitang magkahawak ng kamay sina Dominic at Bea sa celebration ng birthday ni Dominic.
Magkasamang pumunta sina Bea at Dominic sa baby shower ng dating aktres na si Beth Tamayo.
Makikitang nakaakbay si Bea kay Dominic habang nagpapakuha ng larawan kasama ang mga kaibigan.
Noong 2019 pa lamang ay usap-usapan na ang tungkol sa pagkakamabutihan nina Dominic at Bea. Narito ang isang Instagram post ni Dominic noong October 15, 2019.
Nang tanungin ni Jessica Soho tungkol sa estado ng relasyon nila ni Dominic, sagot ni Bea, "Happy naman ako."
Sina Bea at Dominic kasama si Vice Ganda.
Magkasama sa Japan noong 2019 sina Bea at Dominic, base sa TikTok post ng aktor.
Ang Instagram photo na ito ay kuha sa Gonpachi Kill Bill Restaurant Tokyo, Japan, na ibinahagi ni Dominic noong November 4, 2019.
"Ikaw, sinong Lagen mo?" caption ni Dominic sa larawang ito na kuha mula sa Tokyo, Japan.
Naka-tag si Bea sa Instagram post na ito ni Dominic noong July 21, 2020, na kuha pa rin sa Tokyo, Japan.
Binati ni Dominic si Bea sa Instagram ng "Happy Birthday" noong October 17, 2020.
Kuha noong February 2020 sa gender-reveal party.
Stolen shot ni Bea habang natutulog sa kotse, at nagmamaneho naman si Dominic.
Magkasamang nag-shopping sina Bea at Dominic.
Dominic shared their photo while camping at the Yosemite National Park in Los Angeles with former UAAP volleyball player Amanda Villanueva and some friends. But what netizens quickly noticed was that Bea is giving Dom a hug from the back.
For the first time, Bea posted a photo with her rumored boyfriend Dominic, although it was only a top shot of them during their tour at the Yosemite National Park.
Masayang nagpakuha ng larawan si Bea sa Elephant Seal Vista Point, San Simeon, California na ibinahagi nito sa Instagram noong July 27 2021.
Ang elephant seal sa San Simeon, California.
Isa ang Bixby Canyon Bridge sa pinakasikat na tulay sa California dahil sa disenyo nito at ganda ng tanawin.
Makikitang pinapanood ni Bea ang takipsilim sa San Simeon, California.
Kuha ni Bea sa Cambria, California na may caption, "Believe that the best is yet to come."
"Lapit na birthdayyy mo... beach na tayo," sulat ni Dominic na may kasamang heart emoji.
Kasama ng sweet photo na ito ay ang sweet caption ni Dominic para sa kanyang lovely girlfriend na si Bea Alonzo.
“I love view so much,” ayon sa caption ni Dominic.
Ayon sa latest Instagram post ni Bea, hindi na daw siya makapaghintay na makasama muli si Dominic sa isang trip o isang vacation.
SInorpresa ni Dominic Roque ang kanyang followers sa Instagram nang ibahagi ang isa sa nakakakilig na larawan nila ni Kapuso actress Bea Alonzo.
Isa ang larawan na ito sa mga kuha ni Dominic Roque sa family dinner ng Euro Monkeys noong Nobyembre. Makikitang sweet na sweet sina Dominic at Bea Alonzo sa isa't isa.
"My safe haven," caption ni Bea Alonzo sa larawan nila ni Dominic Roque na kuha sa Los Angeles, California.
Present si Dominic Roque sa birthday celebration ng ina ni Bea Alonzo na si Mary Anne Ranollo.
Makikita ang lubos na pagmamahalan nina Bea Alonzo at Dominic Roque para sa isa't isa sa larawang ito.
Sweet na sweet sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa kanilang larawan na may caption na “NYE.”
Sa isang throwback photo mula sa kanilang Japan trip, makikita na ang closeness nina Dominic at Bea kahit nag-uumpisa pa lang ang kanilang relasyon.
Magkasamang ipinagdiwang nina Bea at Dominic ang Christmas 2021 sa farm ni Bea sa Zambales.
"What do you like about Dom the most?," tanong ng isang fan sa "ask away" session ni Bea sa Instagram. Agad naman itong sinagot ng aktres at ibinahagi sa kanyang IG story ang sagot. "The way he loves me. The way he takes care of me. Ang sarap pala ng inaalagaan [heart emoji]," ani Bea.
Sa isang Instagram post, nagbigay ng mensahe si Bea Alonzo para sa first anniversary nila ni Dominic Roque na ginanap nito lamang January 28, 2022
"It took so much patience from you, but here we are. And I have to say, and it's one of the best decisions I've ever made. Happy anniversary, hun [heart emoji]," caption niya sa kanyang post.
Nagtungo sa isang art museum sina Bea Alonzo at Dominic Roque para sa kanilang first anniversary date. All-white outfit ang suot ni Bea habang naka white shirt din si Dom.
Sa isang Valentine vlog ni Bea Alonzo kasama si Dominic Roque, ikinuwento ng celebrity couple kung paano nangyari ang kanilang first kiss.
"Oo, ako 'yung unang nag-kiss sa'yo. Happy?," pag-amin ni Bea.
Matapos hindi magkita ng ilang buwan, binalikan ni Dominic ang mga larawan nila ni Bea mula sa bakasyon nila sa El Nido, Palawan.
Kung dati ay magkahiwalay na kasal pa ang pinupuntahan nina Dominic at Bea, kamakailan ay sabay nang dumalo ang dalawa sa kasal ng kanilang mga kaibigan sa Tagaytay.
Ibinahagi ni Dominic ang ilang mga larawan nila ni Bea mula sa kanilang bakasyon sa Amanpulo.
Ang photo na ito ay kuha nang magkasamang dumalo sa GMA Thanksgiving Gala ang celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque noong July 30.
Nito lamang nakaraang buwan ng Nobyembre, nagtungo sa Italy ang Start-Up PH lead actress na si Bea Alonzo at ang kaniyang boyfriend na si Dominic Roque upang magbakasyon.
Isa sa tourist spots na binisita nina Bea Alonzo at Dominic Roque sa Italy ang nakabibighaning Lake Como.