Relationship

Bea Alonzo at Vincent Co, ikinasal na! (Updated)

GMA Logo bea alonzo and vincent co
Photo by: jaydurias (IG), Nancy Binay (FB)

Photo Inside Page


Photos

bea alonzo and vincent co



Ikinasal na ang Whispers From Heaven actress na si Bea Alonzo sa business tycoon na si Vincent Co.

Ito ay kinumpirma ng entertainment vlogger at talent manager na si Ogie Diaz, na bumati sa bagong kasal sa pamamagitan ng Facebook Reel nitong Martes, July 14.

Ayon kay Ogie, ikinasal ang sina Bea at Vincet noong Lunes, July 13.

"Congratulations Bea Alonzo and Vincent Co, finally, they got married na sa Makati nung July 13 at 7:00 p.m."

Ayon pa kay Ogie, may nagpadala sa kanyang ng litrato nina Bea at Vincent at mayroon na rin daw certificate of marriage.

Tila nakumpirma naman ito nang mag-post ng larawan si Makati City Mayor Nancy Binay kasama si Bea mula sa kanyang opisina sa Makati City Hall. Ito ay may caption na: "Coffee w/ coffeemate" kasunod ang hashtag na "onemorechance."

Sa sumunod niyang Facebook post, kinumpirma na ni Binay na siya ang nag-officiate ng civil wedding nina Bea at Vincent.

Sabi niya sa caption ng kanyang post: "Kinasal ko na po sila Congratulations & Best wishes Vincent & Bea."

Sa ngayon ay wala pang direktang kumpirmasyon sina Bea at Vincent tungkol dito.

Samantala, balikan ang simula ng relasyon nina Bea At Vincent sa gallery na ito:


Dating rumors
Supportive girlfriend?
Gathering with friends
Sweet moment
Corporate event
Vincent Co's family
BeViCo

Around GMA

Around GMA

24 Oras Livestream: July 15, 2026
SALA to drop emotional new single 'Sunod'
Minor stabs another minor during fight in Bago City