Bea Alonzo, lumayas noon dahil sa alitan nila ng kanyang ina

Napanood ng Kapuso viewers ang untold story ng Kapuso aktres na si Bea Alonzo sa nakaraang episode ng TV special My Mother, My Story.
Ibinahagi ng Widows' War actress ang kanyang heartfelt revelations tungkol sa karera, pagsubok sa buhay, at ang kanyang relasyon sa kanyang ina na si Mary Anne Ranollo.
Mas nakilala ng mga manonood si Bea dahil inilantad niya rin ang heartbreaks at challenges na naranasan niya sa likod ng kamera. Kaugnay nito, natutuhahan niya ang kahalagahan raw ng pagmamahal ng kanyang ina sa tuwing humaharap ang aktres sa mga pagsubok.
Sa huling parte ng programa, sinagot din ni Bea ang tanong ng limited talk series na, " Sino ka nang dahil sa iyong ina?"
Balikan ang kuwento ni Bea Alonzo sa gallery na ito:












