Paganda nang paganda ang istorya ng GMA murder mystery drama na 'Widows' War.'
Ang cast at ang production team nito ay patuloy na nakatatangggap ng positive reactions at comments mula sa napakaraming viewers.
Dahil punong-puno ng saya ang mga puso ng buong team, naganap ang isang Thanksgiving party, kung saan sama-samang ipinagdiwang ng lahat ang tagumpay na tinatamasa nila ngayon.
Ang naturang party ay sweet treat ng isa sa lead stars ng serye na si Bea Alonzo para sa kanyang mga katrabaho sa palabas na itinuturing niya na ring pamilya.
Silipin ang recent bonding moments ng 'Widows' War' cast and crew sa gallery na ito.
Nagsama-sama ang buong 'Widows' War' team para i-celebrate ang tuluy-tuloy na tagumpay ng palabas.
Sa photos na inupload ni Bea Alonzo sa Instagram, mapapansin ang magarbong set up ng
Thanksgiving party na idinaos sa bahay mismo ng A-list Kapuso actress.
Ilan sa cast members na present sa Thanksgiving party ay sina Bea Alonzo, Carla Abellana, Tonton Gutierrez, Jackie Lou Blanco, Lito Pimentel, Timmy Cruz, Royce Cabrera, Rita Daniela, Lovely Rivero, Matthew Uy, Jean Garcia, Kiel Rodriguez, Archie Alemania, at Brent Valdez.
Dumalo rin sa event ang ilang GMA executives at ilang kabilang sa creative team ng 'Widows' War.'
Time out muna sa away at sakitan sina Sam (Bea Alonzo) at George (Carla Abellana).
Spotted sa event ang Karaoke bonding ng 'Widows' War' lead actresses na sina Bea Alonzo at Carla Abellana.
Party mode muna si Madam Aurora Palacios (Jean Garcia).
Nag-bonding sa Thanksgiving party ang magbiyenan na sina Aurora (Jean Garcia) at Sam (Bea Alonzo).
Napuno ng tawanan, sayawan, kantahan, at kwentuhan ang buong garden ng bahay ni Bea Alonzo.
May duet moment sina Lito Pimentel at Lovely Rivero sa event.
Enjoy na enjoy ang lahat sa Thanksgiving party!
Congratulations, Team Widows' War!
Abangan ang susunod na mga rebelasyon at pasabog sa 'Widows' War.'