Bea Alonzo, 'very happy' sa kanyang married life

Nag-open up na ang Whispers From Heaven star na si Bea Alonzo sa secret wedding nila ng business tycoon na si Vincent Co.
Isang buwan na ang nakakalipas nang maganap ang intimate civil wedding nina Bea at Vincent sa Makati City Hall noong July 13.
Read: Bea Alonzo, Vincent Co sign prenup agreement 'freely and voluntarily,' says attorney
Sa interview ng "Chika Minute" anchor na si Nelson Canlas kay Bea sa pagdalo nito sa launch ng kanyang latest magazine cover at product endorsement, ipinarating ng aktres ang masayang married life at ipinakita rin ang kanyang elegant wedding ring.
"I didn't realize, ang bilis how time flies," sabi ni Bea.
Nang tanungin kung ano ang nabago simula nang ikasal, nakangiting sagot ni Bea, "'Yung tirahan ko, iba na 'yung address ko, syempre, nag-move in na kami together, obviously.
"Right now I'm on cloud nine. I'm very very happy. Na-share ko yata I'm at my happiest. Siyempre, we, you know, wake up right next to each other every day and it's special to me."
Ayon kay Bea, gusto na lang muna niyang sarilinin ang kuwento kung bakit naging sikreto ang kanilang wedding. Ang importante sa aktres ay masaya sila ngayon at nagsisimula ng bagong buhay na puno ng pagmamahalan.
"It wasn't supposed to be a surprise. I wasn't supposed to be like that. It was just, it felt like it was the right thing to do.
"Honestly, I didn't think that it's something I really needed to share. Hindi naman sa pinagdadamot. But at that point, parang I felt like I just wanted it to be mine and his. I wanted it to be about us and no one else."
Read: From dating rumors to marriage: Bea Alonzo and Vincent Co's relationship timeline
Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang taping ng aktres para sa upcoming GMA series na Whispers From Heaven.
"I never really stop shooting. Tuloy-tuloy na siya. Midway or more than halfway na kami. Nag-e-enjoy akong katrabaho pa rin si Direk Zig [Dulay], Maricar [Reyes], sila Tom [Rodriguez]," sabi niya.
Panoorin ang buong ulat dito:
Samantala, tingnan ang low-key wedding nina Bea at Vincent dito:







