advertisement
TV

Bea MillanWindorski responds to citizenship issues after Miss Universe PH win

1 of 10

Citizenship

Isa sa pinakamalaking issue na binabato kay Bea ay ang kaniyang citizenship. Naniniwala kasi ang ilan na hindi naman siya Filipino citizen, lalo na at sumali siya noon bilang representative ng USA sa ibang pageant.

2 of 10

Filipino

Paglilinaw ni Bea, siya ay Filipino citizen simula nang ipanganak siya. Pagbabahagi ng beauty queen, "One of the first things my mom did when I was born was register my birth with the Philippine Embassy in the US and under R.A. 9225, if you're a Filipino citizen born to a Filipino mother or father, as long as they register your birth, your citizenship is real."

3 of 10

Philippine passport

Inasikaso din umano ni Bea ang makakuha ng Philippine passport simula nang mapunta siya ng bansa, lalo na at kailangan niya ito para sa mga local IDs at bank accounts.

advertisement
4 of 10

Dual citizen

Lagi naman niya umano dala ang kanyang dual-citizenship documentation.

5 of 10

Living in the Philippines

May isang taon at kalahati na rin umanong naninirahan si Bea sa Pilipinas. Sa katunayan, may permanent residence siya sa San Juan, La Union kung nasaan ang lolo at lola niya.

6 of 10

Visiting the country

Ipinanganak man siya sa Amerika, bumibisita naman siya at ang pamilya niya sa bansa simula noong bata pa siya. "They moved here after I was born so every two, three years, whenever we could afford it, we would visit them here," sabi ni Bea.

advertisement
7 of 10

Representing the US

Isang dahilan kung bakit naisip ng netizens na hindi Filipino citizen si Bea ay dahil nirepresenta niya ang United States of America sa Miss Earth noong 2024.

8 of 10

Not by choice

Paglilinaw ni Bea, hindi niya iyon pinili dahil ang kaniyang ina ang nagpasok sa kaniya sa pageant. Sabi ng beauty queen, "In all honesty, it's because my mom signed me up for that pageant without telling me. Kasi I was in the middle of getting my degree, my undergrad in History and I was so focused on law school application and pursuing my academic career."

9 of 10

Not interested

Sa katunayan, pag-amin ni Bea, noong una siyang isinali ng ina sa pageants, sinabi niyang wala siyang interes dito at naniniwala siyang hindi niya makukuha ang korona.

advertisement
10 of 10

Representing the Philippines

Ngunit hindi naman sinara ni Bea ang pinto sa pageantry, "And then one day, if I feel called to pageantry, I'll join again in the Philippines," na siya ngang nangyari.

Around GMA