Beach wedding nina Glaiza De Castro and David Rainey, dinaluhan ng mga artista

Star-studded ang guest list ng naganap na grand wedding nina Glaiza De Castro at David Rainey sa Sundowners beach resort sa Zambales noong Lunes, January 23.
Dinaluhan ito ng mga kaibigan at iba pang kasamahan ni Glaiza sa industriya. Maging ang entourage niya ay binuo ng ilan niyang mga nakatrabaho sa showbiz gaya ng 'Encantadia' co-star niyang si Rochelle Pangilinan at 'The Rich Man's Daughter' co-star niyang si Sheena Halili, at 'Berks' co-star niyang si Angelica Panganiban.
Kumpleto naman ang cast ng huling ginawang proyekto ni Glaiza sa GMA na 'Running Man Ph' na sina Mikael Daez, Ruru Madrid, Kokoy De Santos, Lexi Gonzales, Angel Guardian, at Buboy Villar.
Pati ang past co-stars ni Glaiza ay napaunlakan ding dumalo sa biggest celebration nila ni David tulad ni Gabby Eigenmann na nakasama niya sa 2018 GMA afternoon drama na 'Contessa.'
Nagpaabot din ng suporta sa couple sa pamamagitan ng pagdalo sa kanilang second wedding ang mga kaibigan ni Glaiza sa larangan ng musika na sina Chynna Ortaleza at Kean Cipriano, na producer ng ilang kanta ng actress-singer.
Narito ang ilang larawan:










