
Ngayong Linggo, isa na namang heartfelt story ang matutunghayan ng Kapuso viewers sa limited talk series na My Mother, My Story. Tampok sa naturang episode ang aktres at content creator na si Andi Eigenmann.
Ang kaniyang panayam kasama ang King of Talk na si Boy Abunda ang magiging kauna-unahan niyang interview kung saan pag-uusapan ang kaniyang pumanaw na ina, ang multi-awarded actress na si Jaclyn Jose.
Ikukuwento ni Andi ang kanilang relasyong mag-nanay, kung paano nila minamahal at na uunawaan ang isa't isa kahit magkaiba ang kanilang mga pananaw sa buhay at paraan ng pagpapakita ng pagmamahal. Sasagutin din niya ang tanong ng programa na, "Sino ka nang dahil sa iyong ina?"
Sa naturang episode, sasamahan din sila ng loving partner ni Andi na si Philmar Alipayo.
Silipin ang behind-the-scenes ng panayam ni Andi Eigenmann sa My Mother, My Story, sa gallery na ito:





