Behind-the-Scenes: EJ Obiena talks about his inspiring story and realizations in 'My Mother, My Story'

Malapit nang mapanood ng Kapuso viewers ang isa na namang nakakaantig at inspirasyonal na kuwento sa limited talk series na My Mother, My Story ngayong September.
Sa bagong episode ng programa, tampok ang number 3 pole vaulter sa 2024 World Athletics Rankings at Olympian athlete na si Ernest John Uy Obiena, o mas kilala bilang EJ Obiena.
Ibabahagi ng episode ang nakaka-inspire na kuwento ni EJ kung paano siya nahubog bilang isang matatag at matagumpay na pole vaulter. Pag-uusapan din niya ang mga sakripisyo, pagmamahal, inspirasyon, at suporta na natanggap niya mula sa kanyang mga magulang na sina Emerson at Jeanette, na pareho ring mga atleta.
Sa unang pagkakataon, ibabahagi rin ni EJ ang mga detalye kung paano naapektuhan ang kanyang relasyon sa kanyang ina noong ipinaglaban nila ang katotohanan sa umano'y tampering at embezzlement na inireklamo ng Philippine Athletics Track and Field Association noong 2021.
Sasagutin din ng atleta ang tanong ng programa na, "Sino ka nang dahil sa iyong ina?"
Silipin ang behind-the-scenes ng panayam ni EJ Obiena sa 'My Mother, My Story,' sa gallery na ito:




