BEHIND THE SCENES: Klea Pineda as Golden Eye in 'Bolera'

Mainit na sinubaybayan ng Kapuso viewers ang paghaharap nina Joni (Kylie Padilla) at Golden Eye (Klea Pineda) sa 'Bolera' noong Lunes, June 27.
Nakakuha ang episode na ito ng rating na 12.6 percent base sa preliminary/overnight data ng NUTAM People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.
Sa paghaharap, si Golden Eye ang itinanghal na panalo sa unang laban nila ni Joni matapos na mabigong magpakita ang huli sa huling round ng kanilang laban.
Tingnan ang behind the scenes photos ni Klea Pineda bilang Golden Eye sa 'Bolera' rito:








