
Ngayong Mother's Day, ipapalabas na ang pilot episode ng limited talk series na My Mother, My Story. Tampok sa naturang episode ang sikat na mag-iina na sina Luis Manzano, Ryan Christian Recto, at Vilma Santos.
Sa panayam ni Boy Abunda, ikukwento ni Luis ang kanyang istorya kung paano siya lumaki sa pag-aaruga ng isang celebrity mother. Sasagutin din niya ang tanong ng programa na, "Sino ka nang dahil sa iyong ina?"
Silipin ang behind-the-scenes ng pilot episode ng My Mother, My Story sa gallery na ito:







