Behind-the-scenes of 'Mommy Dearest' finale week

Sa pagtatapos ng hit GMA Afternoon Prime series na Mommy Dearest, aminado ang mga bida nitong sina Camille Prats, Katrina Halili, at Shayne Sava na mami-miss nila ang bonding at pagiging pamilya na nabuo nila set.
Sa panayam ni Aubrey Carampel kina Camille, Katrina, at Shayne para sa 24 Oras nitong Miyerkules, July 16, ipinahayag ng tatlong aktres kung gaano nila mami-miss nabuong samahan nila, kasama iba pa nilang co-stars.
Ani Camille, “Balak namin siyang ituloy na kahit off-cam, e, magkaroon kami ng time na magsama-sama kasi talagang very precious 'yung friendship na nabuo talaga namin.”
Ipinahayag din ni Shayne kung papaano siya nakakuha ng dalawang ate kina Camille at Katrina, na handang magbigay ng payo at paggabay sa kaniya.
“Lalo na po about life, about my finances, kasi siyempre po, pinagdaanan din nila 'yung mga pinagdaanan ko so talagang mga ate ko po talaga sila,” sabi ng young actress.
Samantala, tingnan ang ilan sa behind-the-scenes photos ng Mommy Dearest cast mula sa finale week nito rito:








