Relationship

Bela Padilla and Martin Tan confirm eight-month relationship

GMA Logo Aiko Melendez, Onemig Bondoc, Jake Cuenca, Rabiya Mateo, Daniel Padilla, Kaila Estrada, Klea Pineda, Janella Salvador
Source: withjonnyk (TikTok)

Photo Inside Page


Photos

Aiko Melendez, Onemig Bondoc, Jake Cuenca, Rabiya Mateo, Daniel Padilla, Kaila Estrada, Klea Pineda, Janella Salvador



Matapos ang ilang buwang espekulasyon tungkol sa kanilang estado ng kanilang relasyon, masayang kinumpirma ng aktres na si Bela Padilla at ng tech CEO na si Martin Tan na walong buwan na silang opisyal na magkasintahan.

Ang pahayag na ito ay tuluyan nang nagpatahimik sa mga usap-usapan tungkol sa kanila.

Inihayag ito ng dalawa sa isang TikTok video ng content creator na si Johnny K para sa kaniyang tanyag na series na "Meet Cutes with Johnny K." Sa naturang video, tinanong sina Bela at Martin tungkol sa kanilang “meet cute” moment o kung paano sila unang nagkakilala at nahulog sa isa't isa.

Saktong nakasalubong ng content creator ang dalawa habang naglilibot sa Legazpi Sunday Market sa Makati City, kaya agad niya itong nilapitan para tanungin.

“Excuse me. Are you guys a couple?” tanong ng content creator.

“Yes,” nakangiting sagot ng aktres.

Pagkatapos kumpirmahin ang kanilang relasyon, itinanong agad ng content creator kung paano sila nagkakilala.

“We met through a common friend,” pagbabahagi ni Martin.

Kasunod nito, tinanong si Bela kung ano ang naging first impression niya sa kaniyang nobyo noong sila ay unang nagkaharap.

Masayang ikinuwento ng aktres: “Well, he said he likes movies and I love movies also; so I was very, very excited when he started talking about this.”

Sa kaparehong video, tinanong din ng content creator si Bela kung gaano na sila katagal na magkasama. Subalit sa halip na siya ang sumagot, ipinaubaya niya kay Martin ang pagtugon sa tanong.

“Eight months,” ani Martin.

Nang tanungin naman si Martin kung ano ang pinakapaborito niyang katangian ng kaniyang girlfriend, agad niyang sinabi: “Her brain; and she's funny, and beautiful.”

“I'm gonna pay him later,” pabirong hirit ni Bela matapos marinig ang papuri ng nobyo.

Nang ibaling naman kay Bela ang kaparehong tanong, ipinahayag ng aktres na ang pinakagusto niya kay Martin ay ang pagiging mahilig nito sa petiks at abentura.

“He's game to try anything, like going to markets even if it's early,” kwento ni Bela.

Bukod dito, pinuri rin niya ang kagwapuhan ng nobyo ngunit may kasamang biro: “I don't wanna say it because people are gonna start DM-ing you.”

Itinanong din sa dalawa ang tungkol sa maliliit na paraan o gawi na ginagawa nila para maiparamdam ang pagmamahal sa isa't isa, kung saan masaya silang nagbahagi ng kani-kanilang karanasan.

“When he knows I'm going through something, he'll plan a trip. I think beach trips, that's my fave,” pahayag ni Bela.

“Little notes in my work bag,” sagot naman ni Martin.

Bago matapos ang panayam, nag-iwan ng huling tanong ang content creator kung nagsasabihan na ba sila ng “I love you” sa isa't isa.

Biro namang hirit ng aktres sa kaniyang nobyo habang tumatawa: “Why are you sweating?”

@withjohnnyk 🌻bela&martin @Bela @legazpisundaymarket #meetcute #withjohnnyk #johnnyk #streetinterview #legazpi ♬ original sound - Meet Cutes with Johnny K

Nagsimula ang mga usap-usapan tungkol kina Bela at Martin nang paulit-ulit silang makitang magkasama sa ilang mga public events.

Unang napansin ang dalawa sa pagbubukas ng isang pet lifestyle clinic nina Dra. Aivee Aguilar-Teo at Dr. Z Teo.

Lalo pang uminit ang espekulasyon nang dumalo si Martin sa red carpet premiere ng pelikula ni Bela kung saan nakita itong may dalang bouquet ng mga bulaklak para sa aktres.

READ: Bela Padilla's rumored BF shows support at 'Life After You' premiere

Sa parehong premiere event, pabirong sinabi ni Bela na ang Diamond Star na si Maricel Soriano, na kaniyang kasama sa pelikula, ang kaniyang opisyal na “date” para sa gabi.

Sumakay rin sa biro si Maricel at sinabing kailangang dumaan muna sa kaniyang approval o pag-sang-ayon ang sinumang magiging nobyo ng aktres.

Related gallery: Soft launch to official: Celebrity couples who found love in 2026


Aiko Melendez and Onemig Bondoc
Hard launch
Valentine's Day
Jake Cuenca and Rabiya Mateo
Official
Supportive
Daniel Padilla and Kaila Estrada
Birthday celebration
Instagram official
Juliana Gomez and Ricci Rivero
Courtside chemistry
Bonding with family
Andrea Brillantes and Franchesko Juan Capistrano
Flex
TikTok couple
Klea Pineda and Janella Salvador
Sweet
Home
Katrice Kierulf and Chezka Carandang
Announcement
First move
Isabelle De Leon and Pilot Beau
Proud
Playful
Frankie Pangilinan and Dan Laurel
Rumored boyfriend
Confirmation

Around GMA

Around GMA

Sandingabayan orders Martin Romualdez transfer to QC Jail
Alex Eala stylishly debuts at New York Fashion Week
Farm to Table: (September 13, 2026) LIVE