Relationship

Bela Padilla, hiwalay na sa Italian-Swiss boyfriend

GMA Logo Celebrity breakups in 2025
Photos by: Nherz Almo (left) and @bela on Instagram (right)

Photo Inside Page


Photos

Celebrity breakups in 2025



Hindi naiwasan ni Bela Padilla ang tanong tungkol sa kanyang love life sa ginanap na media conference ng bagong pelikula nila ni JC Santos, ang 100 Awit Para Kay Stella, kanina hapon, August 6.

Sa panayam ng media matapos ang Q&A, natanong ang aktres kung single na siya. Ito ay dahil napansin ng ilan na tila wala ng updates si Bela tungkol sa kanyang Italian-Swiss boyfriend na si Norman Ben Bay.

“Yes, I am,” pag-amin ni Bela sa kanyang pagiging single muli.

Agad naman niyang pinigilan ang press nang mag-react ang mga ito na tila nalungkot sa kinahinatnan ng kanilang halos limang taon na relasyon.

“No, it's not sad. Dinalaw pa niya ako dito last month. Okay naman kami,” nakangiting saad ni Bela.

Inamin niya na isa sa mga dahilan ng paghihiwalay nila ng kanyang boyfriend ang long-distance relationship, lalo pa't nagdesisyon na si Bela na manatili nang muli sa Pilipinas.

Matatandaan na noong 2021 ay nagdesisyon si Bela na manirahan muna sa London.

Ani Bela, “Definitely, one of the biggest factors was me moving back here. Hindi naman din kasi kami magkasama, e, nasa London ako, nasa Switzerland siya. So, parang nahirapan na rin ako. Long distance na shorter, but it was still long distance.”

Related gallery: Bela Padilla reunites with Swiss-Italian boyfriend Norman Bay in Italy

Bagamat hiwalay na, dinalaw pa raw siya ni Norman noong nakaraang buwan. Sa katunayan, nakabisita pa raw ito sa set ng 100 Awit Para Kay Stella.

“Dumadalaw pa siya nung shooting nitong 100 Awit. Nandito siya sa Pilipinas noon, napasyal na niya ang buong Pampanga,” natatawang sabi ni Bela.

Ngayong single na siya, handa na ba siyang muling maki-mingle?

Sagot ng 34-year-old actress, Siguro after I finished the promo for Stella. Why not? I love falling in love. I don't think there's anything wrong with putting yourself out there.”

Sabay biro niya, “Kaso, hindi na ako marunong mag-date ngayong 2025. Baka may kilala kayo.”

Sa ngayon, focused muna si Bela sa reunion project nil ani JC, ang 100 Awit Para kay Stell, na sequel sa hit 2017 movie nilang 100 Tula Para kay Stella. Ang pelikulang ito ni Jason Paul Laxaman ay ipalalabas sa mga sinehan simula September 3.

Samantala, narito ang ilan pang celebrity couples na naghiwalay ngayong 2025:


Barbie Forteza and Jak Roberto
Exceptional
Catriona Gray and Sam Milby 
Rumors
Jeraldine and Josh Blackman
Family
Kris Aquino and Mike Padlan
Apology
Mikee Quintos and Paul Salas
Reason 
Kyline Alcantara and Kobe Paras
Peace
Klea Pineda and Katrice Kierulf
Cheating
Heaven Peralejo and Marco Gallo
Gratitude
Elisse Joson and McCoy de Leon
Blessing

Around GMA

Around GMA

Batangas court issues another arrest warrant vs. Atong Ang
BTS's comeback album is titled 'Arirang'
LIST: LGUs announce class suspension due to #AdaPH