Ngayong 2025 ay naglabas ng bagong concept album ang nine-piece folk-pop band na Ben&Ben tungkol sa isang karakter na maglalakbay umano sa iba't ibang dimensyon. Kuwento ng banda sa guesting nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, February 19, dadaan umano sa struggles, challenges, at pagtagumpayan ito.
Dahil tungkol sa pagsubok at pag-ibig ang kanilang bagong album, tinanong ni King of Talk Boy Abunda ang mga miyembro ng banda kung may justification ba ang pag-ayaw sa isang relasyon.
“Sa romantic relationship, meron bang pagkakataon or may justification ba ang moment when one decides na hindi ko na kaya panindigan ang pagmamahal ko?” tanong ni Boy sa mga miyembro ng Ben & Ben.
Basahin ang mga sagot nila sa gallery na ito:
Aminado ang percussionist na si Toni Muñoz na may kaniya-kaniyang journey ang bawat indibidwal, kabilang na ang dalawang tao sa isang relationship.
Sabi ni Toni sa kanilang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda, "So, I think as much as lahat ng bagay ay pwedeng pag-usapan at pagkaayusan, hindi rin maiiwasan minsan na may dalawang taong hindi nagkakatugma kung saan nila gustong dalhin 'yung relationship."
Para naman kay Andrew de Pano, ang isa pang percussionist ng banda, magwo-work lang ang isang relationship kapag may realization na ang couple na "Okay, whatever happens to this person, game ako to fix it."
Ngunit paglilinaw ni Andrew de Pano, kung merong humaharang sa isang tao para magbigay ng desisyon ukol sa bagay na iyon, "It's okay to walk away, it's okay to say, 'I don't think I'm ready for this."
Magkaiba naman ng perspektibo ang Ben & Ben couple na sina Agnes Reoma at Pat Lasaten pagdating sa usapin ng pagsuko sa isang relationship.
Ayon kay Agnes, importanteng pag-isipan ang isang relasyon ng mabuti at maiging i-gauge muna kung kakayanin bang makasama ng isang couple ang isa't isa matapos ang limang taon.
Pagpapatuloy pa ng bassist ng banda, sa ganitong paraan masisigurado ng dalawang tao sa isang relationship na ang kanilang partners na ang gusto nilang makasama bago pa sila ikasal kalaunan. Aniya, "I think by the time na magpapakasal kayo, dapat decided ka na na ito talaga 'yung kaya kong mahalin, every day ng paggising ko, makikita ko 'tong mukhang 'to, dapat sure ako."
Aminado naman si Pat na may couples na hindi nila nabibigay sa isang relationship ang higit pa sa kaya nilang ibigay. Aniya, paraan din ito para manatiling healthy ang isang relationship.
Sabi ni Pat, "Sometimes people just don't work out and I think there are some times na it's okay to walk away, especially if giving more means depleting your energy, depleting everything that you are."
Pakinggan ang pinakabagong album ng Ben & Ben na 'The Traveller Accross Dimensions.'