Patuloy na nagsisilbing inspirasyon ang OPM band na Ben&Ben sa maraming tao sa pamamagitan ng kanilang mga awitin.
Noong nakaraang buwan ng Setyembre, ibinahagi nina Paolo at Miguel Benjamin ang kanilang bagong kanta na pinamagatang “Courage.”
Marami ang labis na naka-relate sa mensahe ng kanta kaya naman talagang pumatok ito sa netizens at pati na rin sa kanilang mga tagahanga.
Ngunit bukod sa kanila, isa sa members ng indie folk pop band ang naka-relate rin sa bago nilang kanta.
Siya si Patricia “Pat” Lasaten ang keyboardist ng Ben&Ben.
Sa latest post ni Pat sa kanyang TikTok account, ibinahagi niya ang kanyang real-life experience at story na related sa kanta nila na “Courage.”
Si Pat ay engaged na sa kanyang partner na si Agnes Reoma, ang bassist naman ng naturang OPM band.
Ayon sa caption ni Pat sa kanyang post, “What a difference 9 years could make. My parents aren't exactly the most supportive but dahil parehas namin tinatrabaho yung pagtanggap nila, things are definitely much better than when I first came out.”
Dagdag pa niya, “I'm lucky and I'm glad I choose to stand for myself, for my relationship, and for my family. Di ko talaga aakalaing mangyayari 'to samin.”
Ang coming out experience nila ni Agnes ang isa sa mga maituturing ni Pat na real-life story tungkol sa “Courage.”
Alamin ang kanilang inspiring story sa gallery na ito.
College sina Pat Lasaten at Agnes Reoma nang magsimula ang kanilang love story.
Ayon kay Pat, parehas nilang itinago noong mga panahong iyon ang kanilang relasyon sa kani-kanilang mga pamilya.
Kasabay ng pagpapatuloy ng kanilang relasyon, marami na ring nabubuong plano noon sina Pat Lasaten at Agnes Reoma para sa kanilang future.
Ayon kay Pat Lasaten, ang akala lang ng mga tao noon ay best friends lang sila ni Agnes Reoma.
Ibinahagi rin ni Pat Lasaten na ang alam daw ng pamilya niya at ni Agnes Reoman ay bandmates lamang silang dalawa.
Taong 2018, matapos makaramdam ng pagod si Pat Lasaten sa patuloy na pagtatago ng tungkol sa kanila ni Agnes Reoma, nagpasya na siyang umamin sa kanyang mga magulang.
Matapos umamin sa kanyang parents, nagdesisyon si Pat Lasaten na lumayo muna sa kanyang pamilya.
Habang malayo sa kanila ay magkasama naman sila noon ni Agnes Reoma sa isang bahay.
Makalipas ang ilang taon, nagpasya si Pat Lasaten na kausapin ang kanyang pamilya tungkol sa plano niyang wedding proposal para kay Agnes Reoma.
Taong 2023, magkasamang humarap sina Pat Lasaten at Agnes Reoma sa mga magulang ng una upang tanungin kung nasaan na sila sa journey nila patungkol sa pagtanggap sa kanilang relasyon.
Nang mapag-usapan na ang lahat, inimbitahan nina Pat Lasaten at Agnes Reoma ang pamilya ng una para sa isang lunch family date sa mismong bahay na kanilang nabili.
Kasunod ng lunch family date kasama ang pamilya ni Pat Lasaten, dinner naman kasama ang parents ni Agnes Reoma.
Sa buong siyam na taon, labis na nakita ni Pat kung ano ang naitulong ng courage para sa kanya at para sa kanila ni Agnes.
Samantala, opisyal na kinumpirma nina Pat at Agnes na sila ay engaged na noong July 2022.