Benj Manalo at Lovely Abella, sinalubong ang Father's Day sa ospital

Maraming nag-alala sa kalagayan ng former Bubble Gang actress at businesswoman na si Lovely Abella nang mag-post ito kahapon, June 18 na naospital siya.
Matatandaan na inanunsyo nina Lovely at mister na si Benj Manalo na magkakaroon sila ng baby noong Enero 2023. Samantala, may anak na babae na ang komedytante na si Crisha Kaye.
Ayon sa dancer/actress na mabuti na lang na viral infection lang ang kaniyang sakit.
Lahad ng misis ni Benj, “Sa Hospital nagsalubong ng Father's day and thank you so much dad sa pag-aalaga. Happy Father's Day and we love you so much @benj
“P.s Nagpapahinga na lang po, Praise God viral infection lang need lang mag rest and more fruits and veggies para lumakas uli ang immune system and Please po kung may nararamdaman na kayo wag na kayong lumapit sa buntis dahil mahina ang immune system ng mga buntis.”
Dagsa naman ang komento ng netizens na nagdadasal na agarang pagaling ni Mommy Lovely.
Source: lovelyabella_ (IG)
Samantala, nakatanggap naman ng sweet Father's Day message si Benj sa stepdaughter niya na si Crisha Kaye.
Sabi ng anak niya sa post nito sa Instagram story, “Happy Father's Day, dad! Thank you so much for always being present in my life kahit ano pa yan. Sobra-sobra po kitang mahal.”
Source: benj (IG)
Ginanap ang garden-themed wedding ng mag-asawang Lovely at Benj Manalo noong January 2021.










