Bernard Palanca regrets his drug addiction

Naging open si Bernard Palanca tungkol sa kanyang drug addiction noon sa guest appearance niya sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Huwebes, May 8, kasama ang kapwa niya Slay actor na si Chuckie Dreyfus.
Sumikat si Bernard bilang matinee idol noong '90s hanggang early 2000s. Nakilala rin siya bilang isa sa mga hottest heartthrob noon na miyembro ng grupong The Hunks, na kinabilangan din nina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Diether Ocampo, at Carlos Agassi.
Aminado si Bernard na naderilyo ang kanyang buhay nang malulong sa pinagbabawal na gamot noong kasagsagan ng kanyang kasikatan.
Aniya, "If it's possible to go back, I would definitely go back to the very first day that I tried doing something. Because I would go back and tell myself, I wouldn't do it all because that was the start, e."
Labis itong pinagsisisihan ni Bernard kaya naman sinikap niyang magbagong-buhay matapos magpa-rehab para tuluyang makaalis sa masamang bisyo.
Dagdag niya, "When that happened, that caused already the rest of the way. If I didn't take the first puff as they say back then, I don't think my life would have gone in that direction at all."
Related gallery: Celebrities who sought rehab services to reclaim their lives
Ayon kay Bernard, nag-mature na siya matapos ang kanyang matinding pinagdaanan dahil marami siyang natutunan mula sa pagsubok na iyon.
Sa ngayon, patuloy pa ring napapanood ang aktor sa telebisyon.
May dalawang siyang anak na lalaki mula sa mga dati niyang nakarelasyon na sina Meryll Soriano at Jerika Ejercito.