Best Actor nominees for the 2023 FAMAS Awards

Nalalapit na ang gabi ng parangal para sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards sa taong 2023.
Ang family drama film na Family Matters ay nakakuha ng 12 nominations, ang pinakamarami sa lahat ng competing films ngayong taon. Kabilang dito ang prestihiyosong Best Picture, pati na Best Director, Best Screenplay at iba pa.
Pareho namang nakakuha ng tig-10 nominasyon ang psychological comedy drama na Leonor Will Never Die at drama thriller na Blue Room.
May walong nominasyon naman ang thriller at box office hit na Deleter.
Gaganapin ang gabi ng parangal ng FAMAS Awards 2023 ngayong August 13 sa Manila Hotel.
Samantala, silipin ang nominees sa prestihiyosong kategorya na Best Actor ng FAMAS Awards 2023 dito.









