Besties, friendship over dahil sa love letter sa 'Regal Studio Presents: Baddest Best Friend'

Masusubukan ang tatag ng friendship ng dalawang babae sa bagong episode ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents.'
Matagal nang besties sina Mylene (Therese Malvar) at Stella (Klea Pineda). Matatag ang friendship nila kahit na mapapangasawa ni Stella ang college crush ni Mylene na si Basti (Diego Gutierrez).
Si Mylene pa nga ang maid of honor sa kasal ng dalawa at todo ang pagtulong niya sa wedding preparations ng mga ito.
Sa isang pagkakataon, ibabahagi sa kanya ni Basti sa isang heartfelt love letter ang nagpahulog ng loob niya kay Stella.
Pero ang sulat na ito, unsent love letter ni Mylene para kay Basti na tila ninakaw sa kanya ni Stella.
Friendship over na ba para sa best friends?
Abangan ang brand new episode na "Baddest Best Friend," November 26, 4:15 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






