Isang heartwarming tribute ang ibinahagi ng Encantadia Chronicles: Sang'gre star na si Bianca Umali para sa kanyang minamahal na karakter na si Terra.
Sa pagtatapos ng isa na namang yugto sa mundo ng Encantadia, puno ng emosyon si Bianca sa naging paglalakbay niya sa superserye.
Ngunit ang pagwakas ng serye ay hindi ibig sabihin na ito ang dulo ng kanyang kuwento bilang si Terra.
"Hanggang sa muling pagtawag ng Lupa... " aniya sa isang Instagram post.
Kalakip ng naturang post ang ilang iconic shots ni Bianca bilang pagpupugay sa inspirasyon, saya, at mga kuwentong iniwan ng karakter sa kanyang buhay at sa mga manonood.
Silipin dito ang ilang pictures ni Bianca Umali bilang Terra sa gallery na ito:
Labis ang pasasalamat ni Bianca Umali sa pagkakataong mabigyang-buhay ang kanyang karakter na si Terra.
Nagsimula ang kuwento ni Terra sa mundo ng mga tao, kung saan siya lumaki sa kahirapan ngunit may pusong handang protektahan ang kanyang mga minamahal.
Gamit ang kanyang kakaibang kapangyarihan, naging superhero si Terra (Bianca Umali) sa kanyang bayan sa alyas na Sang'gre.
Nalaman ni Terra (Bianca Umali) ang kanyang totoong pagkatao nang makilala niya ang kanyang Tita Pirena (Glaiza de Castro).
Matapos mawalay ng ilang taon, nakilala ni Terra (Bianca Umali) ang kanyang ina na si Danaya (Sanya Lopez).
Isa sa naging misyon ni Terra (Bianca Umali) ay buhayin muli ang kanilang mga brilyante!
Kasama ni Bianca Umali ang iba pang new-gen Sang'gres na sina Angel Guardian, Faith Da Silva, at Kelvin Miranda.
Siyempre, kabilang rin sa cast si Rhian Ramos na gumanap bilang si Kera Mitena!
Isang samahan na hindi malilimutan ang nabuo nina Faith Da Silva, Angel Guardian, Bianca Umali, at Kelvin Miranda.
Naantig din ang puso ng Encantadiks sa naging kuwento nina Terra (Bianca Umali), Danaya (Sanya Lopez), at Gaia (Cassy Lavarias).
Sa pagwakas ng isang yugto, isang munting mensahe ang inabot ni Bianca Umali bilang si Terra: "Hanggang sa muling pagtawag ng Lupa..."