Bianca Umali sa tagos-pusong huling laban ni Terra kay Gargan: 'I poured my heart into this'

Ramdam na ramdam ng Sang'gre viewers ang bigat at tagos-pusong mga eksena sa huling laban ni Terra kay Gargan, na ipinagpapasalamat ni Bianca Umali.
Sa kanyang Instagram stories, ipinarating ni Bianca ang pasasalamat sa pagbuhos ng magagandang komento ng manonood sa sakripisyo ni Terra at sa husay na ipinamalas ng aktres.
Sulat ni Bianca, "Avisala Eshma po... Salamat po sa pagkakaroon ng puso kay Terra."
May isa ring netizen na humanga sa emosyon at husay na ibinuhos ni Bianca para sa eksena: "Appreciating @Bianxa's creativity for tonight's episode. Grabe from stunt, script, effect, and everything. Napakaganda ng result. Wala akong masabi. Sobrang nakakagalit, nakakalungkot, at nakakaiyak ka Terra."
Komento naman ni Bianca rito, "I poured my heart into this."
Napanood sa Encantadia Chronicles: Sang'gre nitong Lunes, February9, ang makabagbag-damdaming laban ni Terra kay Gargan, kung saan handa niyang isakripisyo ang sarili upang hindi mapasakamay ng Bathala ng Kadiliman ang Brilyante ng Lupa.
Basahin ang ilan pang mga komento ng Sang'gre viewers sa huling laban nina Terra at Gargan dito:




