advertisement
TV

Bigating personalities, napanood sa 'Family Feud' pilot week

1 of 15

Family Feud is back!

Masaya ang naging season comeback ng Family Feud kung saan muling napanood ang games master na si Dingdong Dantes na isinasayaw ang Family Feud dance.

2 of 15

Team Joed

Sa buena manong episode, naglaro ang The Missing Husband cast. Ang unang team ay pinangungunahan ni Jak Roberto na gumaganap bilang si Joed sa nasabing series. Kasama ni Jak sa kaniyang team si Cai Cortez, Mark Comiso, at Daniel Bato.

3 of 15

Team Anton

Hindi rin nagpatalo sa hulaan ng top survey answers ang The Missing Husband star na si Rocco Nacino kasama sina Sophie Albert, Michael Flores, at Bryce Eusebio.

advertisement
4 of 15

Prof Jak

Hiningan din ng payo tungkol sa love ng isang studio audience ang tinaguriang “anti-silos” professor na si Jak Roberto.

5 of 15

Groufie

Nakipag-groufie o group picture din si game master Dingdong Dantes sa mga buena manong studio audience.

6 of 15

Black Rider

Nakipagkulitan naman sa ikalawang episode ng pilot week ng Family Feud ang ilan sa cast ng upcoming Kapuso action series na Black Rider kasama sina Empoy Marquez, Janus Del Prado, Rainier Castillo at Salome Salvi.

advertisement
7 of 15

Stolen Life

Nakalaban naman ng team Black Rider ang ilan sa cast ng upcoming GMA Afternoon Prime series na Stolen Life kasama sina Carla Abellana, Divine Aucina, William Lorenzo, at direktor na si Jerry Lopez Sineneng.

8 of 15

LPU Pirates

Nag-timeout muna sa paglalaro ng basketball ang LPU Pirates sa kanilang pagsalang sa panghuhula ng sa survey answers.

9 of 15

JRU Heavy Bombers

Nakatapat ng LPU Pirates ang JRU Heavy Bombers hindi lang sa basketball kung 'di maging sa Family Feud.

advertisement
10 of 15

Heavy jackpot!

Nakuha naman ng JRU Heavy bombers ang jackpot prize sa kanilang paglalaro. Dahil dito, sila ang tinanghal na kauna-unahang jackpot prize winner sa bagong season ng Family Feud.

11 of 15

Dilaw

Naglaro rin sa pilot week ng Family Feud ang OPM band na Dilaw. Ang bandang nagpasikat ng awiting “Uhaw.”

12 of 15

Lola Amour

Inulan naman ng confidence at good vibes ang Family Feud kasama ang bandang Lola Amour. Sila ang banda sa likod ng sikat na awiting “Raining in Manila.”

advertisement
13 of 15

Team Salamanca

Bumisita ang content creators na sina Mika Salamanca, boyfriend niya na si H2WO, at sina Von Ordoña, at Jadh sa Family Feud.

14 of 15

Team Common Sense

Pinairal naman ng Team Common Sense ang kanilang “common sense” sa pagsagot sa survey questions ni game master Dingdong Dantes. Pinangungunahan ang team na ito ng TikTok star na si Lottie Bie.

15 of 15

Common sense for the win!

Naipanalo ng Team Common Sense ang game laban sa Team Salamanca. Congratulations, Team Common Sense!

advertisement

Around GMA