Fast Talk with Boy Abunda
Billy Crawford, nahubog at nasubok ng maagang pagsisimula sa showbiz

Sa edad na tatlong taong gulang ay parte na si Billy Crawford ng show business. Mula sa pagiging commercial model, aktor, singer at dancer, marami nang pinagdaanan ang nagbabalik na The Voice Kids coach sa entertainment industry.
Kaya naman, sa pagbisista niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, Sept 2, kinumusta ni King of Talk Boy Abunda ang naging buhay ng actor-TV Host sa loob ng entertainment industry.
Tanong ng batikang host sa kaniya, “You started very young in the business. Napakabata mo, nakita naming lahat 'yan, ang iyong pag-usbong, pag-bloom into a young man. Paano ka binuo at binasag ng iyong maagang pagtatrabaho sa industriya?”
Alamin ang naging sagot ni Billy sa gallery na ito:









