Magpakailanman

Bibida ang aktor na si Kristoffer Martin sa pre-Halloween special ng #MPK na pinamagatang 'Pinaslang ng Tikbalang.'
Gagampanan ni Kristoffer si Archie, isang mabait na binatang nagmula sa isang mahirap na pamilya. Bigla na lang mawawala si Archie at pinaniwalaang kinuha ng tikbalang.
Ngayong nawawala si Archie, masusubok ang pamilya niyang sina Omeng (Nonie Buencamino), Delia (Yayo Aguila), Jay-jay (Kim De Leon), at Sally (Ashley Rivera).
Narito ang pasilip sa episode ng #MPK na pinamagatang "Pinaslang ng Tikbalang."






