Binatang 17 years old, iibig sa 26 years old na guro sa 'Magpakailanman'

Love story ng mga taong may malaking agwat sa edad ang tampok sa bagong episode ng Magpakailanman.
Sa episode na pinamagatang "Kung Mawawala Ka," isang 17 years old na binata ang iibig sa isang 26 years old na guro.
Makikilala ni Erick (Miguel Tanfelix) si teacher Maribeth (Andrea Torres) noong kasagsagan ng pandemic.
Magkakaroon ng relasyon ang dalawa kahit tutol dito ang pamilya ni Erick. Gayunpaman, titira rin sa bahay nina Erick si Maribeth at mag-aampon pa sila ng bata.
Mananatili kayang matibay ang relasyon nina Erick at Maribeth sa kabila ng malaking agwat sa kanilang mga edad at pagtutol ng kanilang mga pamilya?
Abangan ang brand-new episode na "Kung Mawawala Ka," August 24, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






