Regal Studio Presents
Binatilyo, magkakaroon ng first crush sa 'Regal Studio Presents: Summer of Love'

Isang coming-of-age story ang bagong episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Summer of Love," tungkol ito sa first crush ng isang binatilyo.
Tumutulong sa kanilang family resort ang 13-year-old na si Boyboy ngayong summer.
Magiging guest dito si Kate, babaeng heartbroken.
Biglang malilimutan ni Boyboy ang hilig niya sa paglalaro at magpapaka-mature para ma-impress si Kate.
Saan mauuwi ang first crush ni Boyboy?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Summer of Love," April 19, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






