BINI on controversial viral video: 'We take full accountability. Nagkamali kami'

Naglabas na ng statement ang The Nation's Girl Group na BINI tungkol sa controversial viral video na kinasangkutan ng ilan nilang miyembro kamakailan.
Sa kanilang statement na inilabas noong Huwebes, May 8, humingi ng tawad ang BINI at inamin ang kanilang pagkakamali.
"We know that the past couple of days have been triggering and disappointing for all of you. Sincerely, we understand where all of those feelings are coming from," nakasulat sa kanilang statement.
"The video shows a private moment of us with friends. We definitely did not intend to hurt anyone in the process. We offer no excuse for our actions, reactions, and choice of words. We take full accountability.
"Nagkamali kami. We deeply regret our mistake and sincerely apologize to our Blooms, friends, families, and the general public.
"We humbly ask for a chance to reflect on and learn from our mistakes and continue to work on becoming better versions of ourselves.
"Maraming salamat po sa inyong malasakit, suporta, at pang-unawa."
Umani ng mga negatibong reaksyon at disappointment mula sa mga nakapanood ang nasabing controversial video kung saan makikita ang dalawang kaibigang lalaki ng grupo, na sina Ethan David at Shawn Castro na gumagawa ng hindi kaaya-ayang sexual na kilos.
Ayon sa fans, kasama rin sa video ang ilang members ng BINI dahil sa mga boses na naririnig sa likod ng kamera.
Binubuo ang BINI ng walong miyembro na sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena. Nag-debut ang kanilang grupo noong June 11, 2021 at kilala sa mga kantang "Pantropiko," "Salamin, Salamin," "Karera," at "Huwag Muna Tayong Umuwi."
MAS KILALANIN ANG NATION'S GIRL GROUP NA BINI SA GALLERY NA ITO:
























