Birthday boy, instant adult sa 'Regal Studio Presents: Bata, Bata, Paano Ka Tumanda?'

Kuwento ng "adulting" ang tampok sa bagong episode ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents.'
Mararanasan ng isang 10-year-old boy ang harsh realities ng adult life sa "Bata, Bata, Paano Ka Tumanda?"
Bilang birthday wish, hihilingin ni Lucas na agad siyang tumanda para magawa niya ang mga bagay na wala siyang kalayaang gawin bilang isang bata.
Agad namang matutupad ang wish niya at mag-e-enjoy siya sa paglalaro ng video games buong gabi, pagkain ng maraming junk food, at pagporma sa crush niya.
Pero kasabay nito, kailangan din niyang maghanap ng trabaho at matutong alagaan ang kanyang sarili nang walang gabay mula sa mga magulang niya.
Kakayanin ba ni Lucas ang adulting?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Bata, Bata, Paano Ka Tumanda?," October 11, 2:00 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.






