Birthday greetings para kay Alden Richards, dumagsa online

Puno ng heartwarming messages ang natanggap ng Asia's Multimedia Star na si Alden Richards sa kanyang kaarawan ngayong Huwebes, January 2.
Mula sa Instagram, Facebook, hanggang sa X (dating Twitter), dumagsa ang mga masayang bati mula sa kanyang fans para sa kanyang ika-33 kaarawan.
Maraming tag posts ang nagbigay kulay sa social media accounts ni Alden, kung saan ibinahagi ng netizens ang kanilang mga memorable na larawan at video ng Kapuso star. Mayroon ding nagpadala ng kanilang birthday greetings at wishes para sa aktor, na karamihan ay humihiling na magpatuloy ang kanyang tagumpay at makamtan ang mas marami pang biyaya ngayong 2025.
Sa X naman (dating Twitter), nasa trending list ang hashtags na #Ch33rsToALDEN at #ALDENRichards. Marami ring nagbigay ng kanilang best wishes para kay Alden at ibinahagi ang kanilang suporta at pagmamahal sa aktor.
Masayang sinalubong ni Alden ang bagong taon kasama ang kanyang pamilya. Ibinahagi ng Kapuso star ang kanilang masayang selebrasyon sa Instagram Story, kung saan naglaro sila ng mga pailaw, nagkantahan, at nagbiruan. Magkasama rin nilang ipinagdiwang ang kanyang kaarawan sa isang munting salo-salo sa labas.
Balikan ang dashing looks ni Alden Richards sa gallery na ito:















