Bitoy x Vice collab: Here's what happened!

Nagsama ang tinuturing ng marami na comedy pillars ng bansa--ang internationally-acclaimed comedian na si Michael V. at Unkabogable Star na si Vice Ganda para sa grand 30th anniversary ng 'Bubble Gang.'
Ayon pa kay Meme Vice, "wish granted" para sa kaniya ang makapag-guest sa Pambansang comedy show.
“Malaki ang impact ng Bubble Gang sa comedy, kasi iba't ibang uri ng comedy 'yung pinapakita dito. Maraming natuto na mga komedyante sa mga pamamaraan ng pagpapatawa. So lahat 'yun makikita mo sa Bubble Gang. 'Tsaka, 'yung sinasabi ko nga 'pag komedyante ka magko-kompleto ng pagiging komedyante mo pagka nakapag-Bubble Gang ka,” sabi niya sa Kapuso Showbiz News.
Exciting ang big collaboration na ito dahil mame-meet ni Vice si Mr. Assimo! Ano-ano ang nangyari sa taping ng 'It's Showtime' host sa 'Bubble Gang'? Alamin sa gallery na ito!




