Nagsama ang tinuturing ng marami na comedy pillars ng bansa--ang internationally-acclaimed comedian na si Michael V. at Unkabogable Star na si Vice Ganda para sa grand 30th anniversary ng 'Bubble Gang.'
Ayon pa kay Meme Vice, "wish granted" para sa kaniya ang makapag-guest sa Pambansang comedy show.
“Malaki ang impact ng Bubble Gang sa comedy, kasi iba't ibang uri ng comedy 'yung pinapakita dito. Maraming natuto na mga komedyante sa mga pamamaraan ng pagpapatawa. So lahat 'yun makikita mo sa Bubble Gang. 'Tsaka, 'yung sinasabi ko nga 'pag komedyante ka magko-kompleto ng pagiging komedyante mo pagka nakapag-Bubble Gang ka,” sabi niya sa Kapuso Showbiz News.
Exciting ang big collaboration na ito dahil mame-meet ni Vice si Mr. Assimo! Ano-ano ang nangyari sa taping ng 'It's Showtime' host sa 'Bubble Gang'? Alamin sa gallery na ito!
Vice Ganda is in the house! At makaka-eksena niya ang matapang na si Mr. Assimo.
Rehearsal muna bago ang puksaan at tawanan
Uy, Direk Bitoy, parang kinakabahan yarn!
Sa panayam ng GMANetwork.com, umamin si Michael V. na kahit man siya ay kinabahan sa shooting niya kasama si Vice Ganda. “Pareho kaming ninenerbyos, siguro dahil nag-aanticipate kami, hindi namin alam 'yung how it is to work with each other. And siguro nung na-realize namin na pareho kami kinakabahan dun medyo lumuwag e nang konti na parang na-realize ko, 'Oh! Tao lang pala siya'.
“The same with narealize niya 'yun na tao lang din pala ako. Pareho kami ng emotions, pareho kami ng nararamdaman and mabuti na lang it turned out really, really well.”
Aba, nakahanap ng katapat si Mr. Assimo kay Meme Vice!
Two icons in one photo!
Ulit-ulitin ang panonood ng grand collaboration nina Vice Ganda at Michael V. sa YouLOL YouTube channel o sa showpage ng 'Bubble Gang' sa GMANetwork.com!