'Black Rider' stars, dumalo sa barangay festival ng Bantog, Tarlac City

Bago ang isa na namang ma-aksyon na linggo, dumalo muna at nakisaya ang mga bida ng action drama series na Black Rider sa festival ng Barangay Bantog sa Tarlac City. Nakisaya sina Yassi Pressman, Saviour Ramos, Kim Perez, at Joaquin Manansala, kasama ang Kapuso star na si Cheska Fausto.
Umarangkada ang fiesta sa Barangay Bantog noong Sabado, February 24. Tingnan ang kasiyahan na dala ng Black Rider stars na sina Yassi, Saviour, Kim, at Joaquin, pati si Cheska, sa gallery na ito:










