Bobby Ray Parks Jr. sa photos kasama si Zeinab Harake at babies nito: 'Home'

Matapos kumpirmahin ng vlogger na si Zeinab Harake ang tunay na status nila ng basketball player na si Bobby Ray Parks Jr., mas naging maingay na sa social media ang tungkol sa kanilang relasyon.
Kamakailan lang, kinailangan nang bumalik ni Ray Parks Jr. sa ibang bansa at ayon kay Zeinab ay sobrang mamimiss niya ang kanyang boyfriend.
Nang makaalis na ang basketball player, pinag-usapan ng netizens ang Facebook post nito tungkol kay Zeinab at mga anak nito na sina Lucas at Zebbiana.
Tila nami-miss na ni Ray Parks Jr. ang itinuturing niya ngayon na kanyang mag-iina.
Ayon sa kanyang caption, “Home [heart emoji].”
Kapansin-pansin na close na close at talagang malapit sa puso ni Ray Parks Jr. ang dalawang anak ng kanyang girlfriend na si Zeinab.
Pinusuan ng netizens at patuloy na umaani ng positive comments ang post ng basketball player.
Ayon sa isang netizen, sana raw ang magtuloy-tuloy ang happy relationship nina Zeinab at Ray Parks Jr.
Mayroon ding humanga kay Ray Parks Jr. dahil itinuturing niyang tunay na mga anak sina Lucas at Zebbiana o Bia.
Sa kasalukuyan, ang naturang post ay mayroon nang 118,000 likes, 900 comments, at 14,000 shares sa Facebook.
Samantala, si Lucas ay adopted son ni Zeinab.
Ang cute na cute na baby girl naman na si Zebbiana o Bia ay anak ni Zeinab sa kanyang ex-boyfriend na si Skusta Clee.
TINGNAN ANG SWEET MOMENTS NI ZEINAB HARAKE AT ANG KANYANG ADORABLE KIDS:




