Born to Shine
Bonding moments of YUMI off-cam

Patindi nang patindi ang iringan ng members ng YUMI sa Born to Shine! Ngunit sa kabila ng alitan at awayan ng mga miyembro ng fictional P-Pop girl group na sina Zephanie, Olive May, Naya Ambi, Mitzi Josh, at Gaea Mischa, kabaligtaran naman ang nakikita ng netizens off-cam.
Sa Instagram at Facebook, ibinabahagi ng mga miyembro ng YUMI ang nabuong close bond nila sa harap at likod ng camera. Sa katunayan, madalas nga silang gumagala at kumakain sa labas nang magkakasama.
Tingnan ang ilang sweet bonding moments ng YUMI off-cam sa gallery na ito:









