Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, ibinahagi ng TBATS On the Go hosts na sina Boobay at Tekla ang pinakamasakit na karanasan nila sa larangan ng pag-ibig. Kinamusta rin niKing of Talk Boy Abunda ang lagay ng kanilang mga puso ngayon.
Para kay Boobay, ito ay ang paghihiwalay nila ng dating partner na si Kent Juan Resquir noong 2023. Pag-amin ng komedyante, “I think I've moved on, Tito Boy, pero hindi pa ako ready ulit magmahal.”
Para naman kay Tekla, “Pinakamasakit, siyempre alam naman ng mga tao na pinagkanulo ka, pero that's -- naka-move on na 'ko. Nakaraan na 'yun pero still, the trauma is there.”
Alamin ang buong kwento ng pag-ibig nina Boobay at Tekla sa gallery na ito:
Gaya ng marami, may sariling love story din si Boobay at Tekla sa kani-kanilang mga partners.
Matatandaan na taong 2023 nang kumpirmahin ni Boobay na hiwalay na sila ng dating partner na si Kent.
Sa isang panayam, inamin ni Boobay na sinubukan niyang isalba ang kanilang relasyon, ngunit kalaunan, natanggap niyang hindi na talaga maaari.
Pag-amin ni Boobay, naka move on na siya, ngunit hindi pa rin siya handang maghanap muli ng makakapareha. Sa katuanyan, hindi nga niya alam ang hinahanap ngayon sa isang partner.
Gaya ni Boobay, nagkaroon din ng problema sa pag-ibig si Tekla. Hindi lingid sa kaalaman ng marami na mayroong anak ang komedyante sa dating partner nito na si Michelle Lhor Bana-ag.
Kwento ni Tekla, dahil may mga anak sila ni Michelle, hindi maiiwasan na nagkakausap sila. Ngunit paglilinaw niya, hindi na sila nagkabalikan pa.
Nilinaw din ni Tekla na maganda ang relasyon niya sa kaniyang dating partner at maging sa mga anak nila.
Hiningan din ni Boy ng love advice sina Boobay at Tekla para sa isa't isa.
Payo ni Tekla sa kaibigan at ka-duo, "'Wag mo ibigay lahat. Magtira ka. Sa pag-ibig, 100 percent, magtira ka ng 80 percent sa 'yo, 20 lang 'yung ibigay mo."
Sinabihan naman ni Boobay ang ka-duo na ituloy lang nito ang ginagawa para sa mga anak, lalo na at nakita niya kung gaano ito kagaling bilang isang tatay. "As much as possible, every taping namin, kinakausap niya 'yung anak niya tapos may mga pinapabili 'yung anak niya, tapos biglang ino-off na niya 'yung phone, ganiyan. Hindi, ganu'n siya ka ano sa baby niya," sabi ni Boobay.