Born to Shine
'Born to Shine' album launch behind-the-scenes highlights

Inilunsad na ang kauna-unahang OST o original soundtrack album ng GMA Afternoon Prime musical drama series na Born to Shine nitong Tuesday, May 5 kung saan ipinarinig ng cast ang ilang orihinal na kanta mula sa serye.
Dinaluhan ito nina Zephanie, Michael Saeger, at Olive May. Kasama rin nila ang isa sa mga pillar ng musika sa industriya na si Vina Morales. Present din ang dalang P-Pop group ng serye: ang YUMI na kinabibilangan nina Mitzi Josh, Gaea Mischa, at Naya Ambi, at ang NIXI nina Chloe Redondo, Angelika Santiago, at Aaliyah de Gracia.
Napanood man ang live stream ng album launch sa GMA Network social media pages, makikita sa gallery na ito ang masayang behind the scenes:












