Events
'Born to Shine' cast, ipinakilala na!

Malapit nang magsimula ang pinakabagong family drama na pinagtibay ng musika, ang Born to Shine. Musika ang magpapatakbo sa istoryang iikot sa mga emosyon, relasyon ng pamilya, at pagtupad ng pangarap.
Pagbibidahan ito nina Zephanie, Michael Sager, Olive May, Manilyn Reynes, Vina Morales, Smokey Manaloto, Tina Paner at Roselle Nava. Ito ay nasa ilalim ng direksyon ni Direk Rod Marmol.
Nitong nakaraang Sabado, November 22, ay naganap ang story conference ng serye kung saan nagkita-kita ang mga bibida sa naturang serye. Dito ipinakilala ang mga beterano at mga bagong mukha at boses na makikita at maririnig sa GMA Afternoon Prime soon.
Kilalanin sila sa gallery na ito:

















