'Born to Shine' stars Zephanie, Michael Sager, at iba pang Kapuso stars, nagpasaya sa Maytime Festival sa Antipolo

Isang kasiyahan na puno ng kantahan ang naganap na Maytime Festival sa Antipolo sa pagdalo ng ilang Kapuso stars.
Nagpasaya doon ang mga bida ng GMA Afternoon Prime musical drama series na Born to Shine na sina Zephanie, Michael Sager, Olive May, Gaea Mishca, Naya Ambi, at Chloe Redondo. Naroon din ang Sparkle stars na sina Sofia Pablo, Allen Ansay, at Lee Victor para magpasaya ng mga Kapuso na dumalo sa festival.
Ang Maytime Festival ay isang pagdiriwang kung saan binibigyan pansin ang mga produktong kilala sa Antipolo tulad ng suman, mangga, at kasoy. Paraan din ito para ipakita ang agricultural, culinary, at cultural heritage ng siyudad.
Tingnan kung papaano napasaya nina Zephanie, Michael, Olive, Gaea, Naya, Chloe, Sofia, Allen, at Lee ang mga Kapuso sa Antipolo sa gallery na ito:













