Boy Abunda, may gustong linawin hinggil sa pahayag ni Maris Racal

GMA Logo Boy Abunda
Source: FastTalkGMA/FB

Photo Inside Page


Photos

Boy Abunda



May ilang mga punto at gustong linawin si King of Talk Boy Abunda tungkol sa naging pahayag ng aktres na si Maris Racal patungkol sa kumakalat na screenshots ng private messages nila ng aktor na si Anthony Jennings.

Matatandaan na noong December 3, Martes ng gabi, ay ginulat ng ex-girlfriend ni Anthony na si Jam Villanueva ang lahat ng maglabas siya ng screenshots ng text messages at diumano affair sa pagitan ng aktor at ni Maris na siyang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Ngayong Biyernes, December 6, sa isang emosyonal na video ay ipinahayag ni Maris ang kaniyang kuwento hinggil sa naturang issue.

Ngunit sa Fast Talk with Boy Abunda, ibinahagi ni King of Talk Boy Abunda ang kaniyang mga saloobin tungkol sa pahayag na binitawan ng aktres. Aniya, meron siyang dalawang puntong gustong linawin at ang isa ay tungkol sa reaksyon ng mga tao sa aktres.

Sabi ni Boy, “Ako, ang aking reaksyon ay bakit sobra ang galit natin kay Maris? Bakit sobra? Because we're not ready? Because there is no place in Philippine society for women who are aggressive? For women who make the first move? For women, for example, who say may pangangailangan ako? For women na halimbawa nagpakita ng kaniyang gusto, women who flirt ay kaagad malandi?”

Aniya, kung ilalagay ang isang lalaki sa parehong sitwasyon ay iba umano ang magiging reaksyon ng publiko. Dahil dito, nagbigay ng paalala ang batikang host na suriin muna ng mabuti ang magiging reaksyon sa mga issue dahil aniya, “nasaan ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki?”

Pinuna rin ni Boy ang isang sinabi ni Maris sa kaniyang pahayag kung saan sinabi niyang hindi niya alam na in a relationship pa sina Anthony at Jam. Dito ay binalikan ng batikang host ang isa sa mga text exchange ng dalawang aktor mula sa screenshot.

Inalala ng batikang host ang hiling ni Maris kay Anthony na i-delete ang messages at screenshots, kung saan sinagot naman ito ng aktor na hindi siya nagde-delete ng messages.

Dito ay pinuna na ni Boy ang isang linya sa text messages ng dalawa, “And then there was a line in that conversation that said, 'Someday, hindi na tayo kinakailangan mag-delete. Hindi tayo kinakailangan magtago.'”

“So to say that you didn't have any knowledge that they were still together, medyo kinukwestyon ko as an audience, as a commentator,” sabi ni Boy.

Ngunit sa huli ay ipinahayag pa rin ni Boy ang kaniyang paghanga sa katapangan na ipinakita ng aktres sa paglabas ng kaniyang pahayag. Ngayong gabi, December 6, ay naglabas na rin ng kaniyang salaysay si Anthony.

IN PHOTOS: Hiwalayan ng celebrity couples na ikinagulat ng marami


Around GMA

Around GMA

PRO-11, gipaniguro nga walay hulga sa seguridad | One Mindanao
Lisensiya ng driver ng pick-up truck na nambatok sa nagkakariton, binawi na ng LTO
Farm To Table: Magpapasko na, food explorers!