advertisement
Showbiz News

Boy Abunda, nag-renew ng kontrata sa GMA Network

1 of 15

Boy Abunda

Proud na muling nag-renew ng kontrata sa GMA Network si Boy Abunda ngayong Lunes, February 12.

2 of 15

Boy Abunda is a Kapuso

Present sa contract renewal signing ni Boy Abunda ang ilang GMA officials. Mula sa kaliwa: Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, President and CEO Gilberto R. Duavit Jr., GMA Network Chairman Atty. Felipe L. Gozon, Executive Vice President and CFO Felipe S. Yalong.

3 of 15

Homecoming

Noong December 15, 2022 nang magbalik sa GMA si Boy matapos ang mahigit dalawang dekada.

advertisement
4 of 15

Grateful 

Aminado si Boy Abunda na marami siyang natutunan sa kanyang pagbabalik sa GMA at nagpapasalamat siya sa patuloy na pag-suporta sa kanya ng Kapuso Network.

“Maraming salamat. Ito'y nangangahulugan lamang na patuloy ang tiwala, patuloy ang suporta, patuloy ang… this belief na in all the things that I can do and all the things that I cannot,” ani Boy.

5 of 15

Fast Talk with Boy Abunda

January 2023 naman sinimulan ang talk show ni Boy Abunda GMA na Fast Talk with Boy Abunda kung saan muli niyang nakatrabaho ang mga dati niyang kaibigan noong nagsisimula pa lamang siya sa industriya.

6 of 15

Atty. Felipe L. Gozon

Ayon kay GMA Network Chairman Atty. Felipe L. Gozon, si Boy Abunda ang pinakamahusay na Television host sa bansa kung kaya't nagagalak siya na mananatili itong Kapuso. Aniya, “Walang kadududa na si Boy ngayon ang pinakamagaling na talk show host.”

advertisement
7 of 15

Gilberto R. Duavit Jr.

Nagpapasalamat naman si President and CEO Gilberto R. Duavit Jr. kay Boy Abunda dahil sa patuloy din na tiwala ni Boy Abunda sa Kapuso Network.

8 of 15

Felipe S. Yalong

“You are now a certified true Kapuso,” mensahe ni GMA Executive Vice President and CFO Felipe S. Yalong para kay Boy Abunda.

9 of 15

Lilybeth G. Rasonable

Masayang-masaya rin si Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable sa muling pagpirma ng kontrata ni Boy Abunda sa GMA Network.

advertisement
10 of 15

Anette Gozon-Valdes

Dumalo rin sa contract renewal ni Boy Abunda si GMA Network's Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group, and President of GMA Films Atty. Annette Gozon-Valdes.

11 of 15

Thankful

Thankful naman si Boy Abunda dahil sa pagkakataon na ibinigay sa kanya upang muling makatrabaho ang mga kaibigan na itinuring niyang pamilya.

Aniya, “Itong pagkakataon na ito na ibinigay ninyo sa akin na bumalik dito sa GMA-7 at ang makatrabaho ang isang community of production, creatives, technical people na napakahuhusay at napakasaya. Araw-araw I go to the set because it is a happy place.

12 of 15

Second home

Para kay Boy Abunda, ikalawang tahanan niya na ang GMA Network. Kaya excited siya lagi na pumasok at makita ang mga mahal niyang kaibigan at katrabaho.

“It's a second home and ang sarap bumalik sa studio dahil masaya lamang kami and masayang magtrabaho. “

advertisement
13 of 15

Old and new friends

“[Thank you for] allowing me to rediscover old friends… also for allowing me to discover new talents, writers, researchers. Ako'y masaya po na nakatrabaho silang lahat. Ako po'y natutuwa sa aming samahan. So for allowing me to work with them again, maraming maraming salamat,” mensahe ni Boy Abunda.

14 of 15

Pledge

Nangako si Boy Abunda na ipagpapatuloy niya ang kanyang trabaho bilang isang mahusay at respetadong TV at talk show host.

“It takes a village to be able to do a 20-minute talk show. I don't do this alone, I do this with a community of committed people. I will continue to do the show with gratitude and with love.”

15 of 15

King of Talk

Congratulations, King of Talk Boy Abunda!

advertisement

Around GMA