Boy Abunda, nagbigay ng detalye sa kasong kinasasangkutan ni Neri Naig

“I want to know the whole story.”
Iyan ang inisyal na reaksyon ni King of Talk Boy Abunda nang mabalitaan na nakulong ang aktres at Wais na Misis na si Neri Naig nang lumabas ang balitang inaresto at nakulong ito sa Pasay City Jail.
Matatandaan na noong November 25, lumabas ang balita na inaresto diumano si Neri para sa paglabag sa Section 8 ng Republic Act No. 8799 na kilala rin bilang “Registration of Brokers, Dealers, Salesmen, and Associated Persons.”
Nitong Miyerkules, November 27, kinumpirma ni Boy sa afternoon talk show niya na Fast Talk with Boy Abunda ang pagkakaaresto ng aktres noong Sabado, November 23, sa isang mall sa Pasay City.
Salaysay ni Boy, “Ayon sa Southern Police District, may warrant of arrest si Neri dahil sa kasong syndicated estafa at 14 counts of violation sa section 28 ng Securities Regulation Code. Nakasaad sa section 28 na ipinagbabawal ang pagbebenta at pamimili ng investments securities. Ito 'yung mga stocks, bonds, interests, nang walang kaukulang registration mula sa SEC, Securities and Exchange Commision.”
Ani Boy ay hindi muna pinangalanan ng Southern Police District o SPD ang aktres at itinago sa alyas na “Erin,” ngunit nakumpirma ng sources na si Neri nga ang inaresto. Pagpapatuloy pa ng batikang host ay aabot ng Php 1.76 million ang piyansa para sa paglabag sa Securities Regulation Code.
Pagbabahagi ni Boy ay pilit nilang kinukuha ang pahayag ni Neri ukol dito, ngunit wala pa silang nakuhang sagot. Katunayan, sinubukan umano ng King of Talk na tawagan mismo ang aktres para hingin ang kaniyang panig.
Ayon kay Boy ay gusto niyang malaman ang buong kwento mula mismo kay Neri dahil alam niyang “there is another side of the story.”
“For someone as nice, for someone as hardworking as Neri Naig, napakahirap iproseso po ng balitang ito. Kaya hindi ho kami titigil hangga't hindi namin nakukuha ang side ng kuwentong ito mula kay Neri,” sabi ni Boy.
UPDATED as of November 27, 7:21 p.m.
Miyerkules ng gabi, naglabas na ng pahayag ang Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda tungkol sa kasong kinasasangkutan ng kanyang asawa. Saad, niya, "Never nanloko si Neri, at never siya nanlamang sa kapwa. Basahin ang kabuuan ng kanyang pahayag.
Updated as of November 28, 7:05 p.m.
Bumuhos naman ang suporta mula sa celebrities na nakakakilala kay Chito at Neri. Ayon din kay Boy Abunda, na muling nagbigay ng pahayag sa kanyang show na Fast Talk with Boy Abunda, “Ako ay naninindigan na mabuting tao si Neri, masipag na nanay, at mabuting kapitbahay, kapitbahay ko po 'yan sa Tagaytay, and ito, personal knowledge ko po ito, napakabuting bata, napakabuting babae, napakabuting asawa.”
SAMANTALA, BALIKAN ANG CELEBRITIES NA MINSAN NA RING NAARESTO SA GALLERY NA ITO:



















